byebye my old lullaby ♪♥
Nauntog ako. Kaya heto akoy nagbalik sa dati. Nagbalik upang lagyan ng laman ang blankong papel at isabuhay ang mga panahong dumaraan upang kahit paano’y meron pa rin akong mahahawakan sa oras ng kalungkutan, sa oras na ang buong mundo’y hindi handang maging sandalan o kayay tagapakinig ng bawat hikbi, at mananatiling alaala ang bawat sigaw na kinakailangang pakawalan sa kapirasong bahaging ito ng mundo kung saan ang DELETE ay salita lamang at ang bawat binitawang titik ay hindi na kailan pa man mawawala sa mundo.

16.02.12